Magnolia, isang panalo na lang lusot na sa PBA Finals

Sports

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Magnolia Hotshots upang makapasok na ito sa inaasam na finals sa nagpapatuloy na 2018 PBA Philippine Cup.

Ito ay matapos na manalo ang Hotshots laban sa NLEX sa iskor na 87-78 sa Game 5 ng kanilang semifinals sa Ynares Center, Antipolo, Rizal kagabi.

Nanguna si Mark Barroca sa balanced attack para sa Magnolia sa 18 puntos, seven rebounds, pumangalawa si Aldrech Ramos na may 15 points at nine rebounds, at si Paul Lee na nagtala rin ng 15 points, at 4 assist.

Samantala, pasok na sa PBA Finals ang San Miguel Beer matapos na manalo ito kontra Ginebra sa semifinals ng PBA Philippine Cup. Sa iskor na 100-94 nakamit ng Beermen ang standing na 4-1 kontra Gin Kings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *