Mga kaanak ng nasawing biktima sa bumagsak na eroplano sa Bulacan, bibigyan ng ayudang pinansyal

Regional

Bibigyan ng financial assistance ang mga kaanak ng mga nasawi matapos bumagsak ang isang eroplano sa isang bahay sa Plaridel Bulacan.

Ito ang ipinaabot na mensahe ng kompanya ng Lite Air Express sa pagnanais na mabigyan ng tulong pinansyal ang mga kaanak ng mga nasawing biktima.

Magugunita na 10 katao ang nasawi sa naturang insidente, lima rito ay mga nakatira sa bahay habang ang limang iba pa ay mga pasahero ng naturang eroplano.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pagbasak ng eroplano sa Purok Tres, Barangay Lumang Bayan Plaridel Bulacan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *