Mga lumalabag sa ‘yellow lane’, nangunguna sa listahan ng MMDA

Metro News

Nangunguna sa listahan ng ‘No-Contact Apprehension’ ang mga pasaway na pribado at pampublikong mga motorista na lumalabag sa ‘yellow lane’ policy.

Ito ay ayon sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa pinakahuling tala ng MMDA metrobase, umaabot na sa isandaang libong motorista ang kanilang nahuhuli sa ‘No-Contact Apprehension’ sa loob ng tatlong buwan mula Disyembre 2017.

Ula sa nasabing bilang, animnapu’t anim na libo ang lumabag sa yelloy lane policy.

Kabilang din sa top 3 na nahuli ng cctv camera ng mmda ang mga lumabag sa ‘No Loading at Unloading Policy’ partikular ang mga pampasaherong bus, at ang mga lumabag sa ‘Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *