Pangulong Duterte, hinikayat ang ibang bansa na kumalas rin sa ICC

National News

Sa kanyang talumpati sa isinagawang graduation rites ng Philippine Military Academy sa Fort del Pilar, Baguio City ay hindi naiwasang banggitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang International Criminal Court na kung saan nito lamang nakaraang linggo ay idineklara niya ang pagkalas ng bansa mula dito.

Giit pa ng pangulo, hindi epektibo o walang saysay ang Rome Statute dahil nabigong ilathala ng nakaraang administrasyon ang treaty sa official gazette o national publication matapos itong ratipikahan ng senado.

Dagdag pa ng pangulo, bago maging ganap na batas ang isang naipasang panukalang batas, kailangan nitong matupad ang legal requirement na paglalathala sa official gazette o sa mga pahayagang may sirkulasyon sa buong bansa.

Kaya naman, hinikayat nito ang ibang bansa na miyembro rin ng ICC na kumalas na rin mula dito.

Matatandaang inanunsyo ng pangulo ang pagkalas ng bansa mula sa ICC kasunod ng preliminary examination na isinagawa nito sa mga kasong isinampa ng abogadong si Jude Sabio laban kay Duterte dahil sa kontrobersyal na kampanya kontra droga ng administrasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *