PNP, nanawagan na huwag iboto ang mga narco-politicians

National News

Personal na nanawagan ngayon si Philippine National Police Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa lahat ng mga botante sa bansa partikular na sa mga barangay na huwag iboto ang mga politikong sangkot sa iligal na droga sa bansa.

Ito’y sa kabila ng hindi pa malinaw kung muli bang ipagpapaliban o matutuloy ang Barangay at SK elections ngayong Mayo.

Matatandaang, isa sa mga dahilan ng pansamantalang pagpapatigil ng halalan sa barangay bilang tugon sa paglilinis na ginagawa ng pamahalaan kaugnay sa kampanya nito laban sa iligal na droga.

Sa ngayon, lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na muling pagpapaliban sa eleksyon sa ikalawang Lunes ng Oktubre.

Sa panig naman ng COMELEC, tuloy-tuloy pa rin ang isinasagawang paghahanda ng ahensya para sa naturang eleksyon.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *