State prosecutor, pinagkokomento sa mosyon ng kustodiya ni Napoles sa DOJ

National News

Binigyan ng sampung araw ng Sandiganbayan Fifth Division ang state prosecutors para maghain ng oposisyon sa mosyon ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles.

Kaugnay ito sa urgent motion ni Napoles para ilipat sa Department of Justice (DOJ) ang kanyang kustodiya, mula sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Kinuwestyon naman ng First Division ng anti-graft court ang argumento ni Napoles na dapat siyang ilipat sa DOJ dahil hinaharass siya sa bilangguan.

Partikular na kinuwestyon ni Sandiganbayan Associate Justice Geraldine Econg kung bakit iniwan ng DOJ prosecutors ang mga dokumento ni Napoles na isang bilanggo sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Sinabi naman ni Ombudsman Special Prosecutor at dating Sandiganbayan Presiding Justice Edilberto Sandoval na walang provisional admission sa WPP sa ilalim ng batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *