Batas na tatapos sa kontraktwalisasyon, hiniling na ipasa

National News

Muling kinalampag ng Grupong Makabayan at Confederation for Unity Recognition and Advancement of Government Employees o COURAGE ang palasyo sa usapin ng endo o kontraktwalisasyon.

Sa pangunguna ni Bayan Muna Rep. Isagani Zarate at ilang miyembro ng Makabayan bloc, iginiit ng mga ito na dapat gawing prayoridad ng administrasyon ang pagsasabatas ng Houst Bill 7415 o batas na nagbabawal sa anumang uri ng labor contractualization kasunod na rin ng pangako ng pangulo na tatapusin nito ang endo o kontraktwalisasyon sa bansa.

Base sa kanilang nakalap na datos mula sa government human resources, numero uno umano mismo ang gobyerno sa nagpapatupad ng endo dahil sa dami ng casual employees at personnel nito.

Maliban rito, sigaw rin ng grupo ng mga manggagawa ang pagsasawalang bisa sa joint Circular No. 1 S. 2017 ng DBM, COA at CSC na nagpapahintulot sa government agency na tumanggap ng mga manggagawa sa ilalim ng contracts of service at job orders.

Kahapon, porma na inihain ng makabayan bloc sa kamara ang panukalang batas na magbibigay ng security of tenure at civil service eligibility sa lahat ng non-regular employees.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *