“Kampanya ng Duterte Administration pakitang-tao”-Magdalo Partylist

National News

Pakitang-tao!

Ganito inilarawan ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano ang kampanya ng administrasyon Duterte laban sa iligal na droga at kurapsyon

Sa isang pulong balitaan sinabi ni Alejano, na mismong mga kurap na opsiyal pa ang binibigyang importansya ng pangulo tulad na lamang ni Janet Lim-Napoles na pangunahing akusado sa PDAF scam.

Aniya, plano lamang gamitin ng administrasyon si Napoles para balikan ang mga opisyal noong nagdaang administrasyon.

Maging ang mga drug lord aniya ay kayang-mamayagpag tulad nila Kerwin Espinosa at iba pa na pinawalang sala ng Department of Justice.

Habang ang mga maliliit naman aniya na tulak ng droga ay namamatay sa ilalim ng kampanya ng pamahalaan kontra droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *