Malakanyang, naghahasik umano ng fake news

National News

Naghahasik ng fake news ang Malakanyang.

Ito ang iginiit ni George San Mateo, National President ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide o PISTON kaugnay sa pagsususpinde ng klase ng Palasyo sa Metro Manila.

Base sa pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pagkansela ng pasok ay bunsod umano ng isasagawang tigil-pasada ng PISTON.

Mariin naman itong pinabulaanan ni San Mateo at sinabing walang anumang klase ng pagtitipon gaya ng tigil-pasada ang grupo at kahapon lamang aniya nila ito isinagawa.

Dagdag pa ni San Mateo na ang anunsyo ng suspensyon ng klase ay nagpapatunay na hindi pinakikinggan ng gobyerno ang hinaing ng mga draybers at operators.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *