Pagtatayo ng mga mega structures sa Boracay, pinalagan ng ilang senador

National News

Kahapon ay kinumpirma ng kumpanyang Leisure and Resort World Corporation na itututloy  nito ang pagpapatayo ng magarbong dalawampu’t-tatlong ektaryang  mega casino sa  Boracay.

Liban sa itatayong  mega casino na nagkakahalaga ng limang daang milyong dolyar, ay plano din ng double dragon corporation na itayo ang pinakamalaking hotel sa bansa sa Boracay.

Aabot daw sa 150 hectares ang ookopahin ng nasabing mega hotel.

Dahil dito ay pinamomonitor ni Senador Nancy Binay ang pagkuha ng permit ng mga kompanya, partikular na ang environmental clearance certificate.

Nais ng senadora na walang lalabaging batas sa kalikasan o maiwasan ang suhulan.

Ikina-aalarma naman ni Senador Sherwin Gatchalian ang pasimulang pagdagsa ng mga turista sa Boracay na kasalukuyang nahaharap sa iba’t ibang environmental issues.

Naniniwala si senador gatchalian na kukulangin ang waste disposal system dahil sa ‘overcrowding’.

Sa kabila nito ay wala namang nakikitang problema si Senador Cynthia Villar  sa mga itatayong mega structures sa Boracay basta’t wala lamang aniyang lalabagin ang mga ito na batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *