Palasyo, nagpaliwanag tungkol sa biglaang suspensyon ng klase sa Metro Manila

Metro News

Nagpaliwanag ang Malakanyang kaugnay sa anunsyo nito na suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa buong Metro Manila.

Sa isang press briefing, inihayag ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque ang nakapaloob sa Memorandum Circular 42 on class suspension na inilabas ngayong araw pero pinirmahan kahapon pa.

Paliwanag pa ni Roque, alas tres na ng madaling araw natapos ang meeting ng National Security Council Executive Committee kung saan kasama roon si Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag pa ni Roque, alas tres na ng madaling araw natapos ang meeting ng National Security Council Executive Committee kung saan kasama roon si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Roque, ang sinasabing ‘imminent threat’ ay kapag walang masasakyan ang mga kabataan at mauuwi sa paglalakad kung saan posibleng magdulot ito ng maraming aberya.

Ang isyu lamang aniya ng pagkansela ng klase ay naniniguro lamang ang presidente at hindi kailanman isusugal nito ang kapakanan ng mga kabataan at estudyante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *