Sore eyes, paano maiiwasan ngayong summer? 

Health

Hindi pa man opisyal na idinedeklara ang panahon ng tag-init o summer season sa bansa, unti-unti na ngayong dumarami ang nagtutungo sa mga beach upang magtampisaw at ibsan ang nararamdamang init ng panahon.

Highlights din tuwing summer ang recreational activities, fiesta celebrations, street parties at maging ng mga summer diseases.

Kaya naman laging paalala tuwing summer kung paano maiiwasan ang mga sakit na maaaring makuha dahil sa sobrang init tulad ng sore eyes at marami pang iba.

Ilan sa mga paraan para maiwasan ang sore eyes o ang impeksyon ng mata na kungsaan namamaga ang labas na bahagi ng eyeball at ang loob ng eyelid nito.

Una, tiyaking palaging malinis ang inyong mga kamay.

Ang paghugas ng kamay ay hindi lamang nakaiiwas sa sakit ng sore eyes maiiwasan din nito ang ibang uri ng sakit. Kaya palaging hugasan ang ating mga kamay upang ito ay maging libre mula sa mga mikrobyo.

Iwasang ding kamutin ang mga mata kapag ito ay kumakati. Dahil kapag kinamot niyo ang inyong mga mata posibleng may dala itong bacteria na maging sanhi ng impeksyon.

Nakatutulong naman ang mga pagsuot ng goggles mula sa anumang bakteria o viruses na nakaabang sa ilalim ng tubig.

At panghuli, mahalaga rin ang pag-iwas sa mga taong may sore eyes dahil maaaring mahawaan ang isang tao mula sa mga bagay na nahawakan ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *