Aksidente sa Mindoro, 19 katao patay

Regional

Patay ang labing siyam katao na pasahero ng Dimple Bus na may plakang TYU 708 at may body number na 7805 nang mahulog ito sa bangin habang bumibiyahe patungong Maynila, alas nuebe y media kagabi.

Naganap ang aksidente sa Patrick Bridge Brgy. Batong Buhay, Sablayan Occidental Mindoro.

Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng iba pang biktima ng naturang aksidente at ang kabuuang bilang ng mga pasahero habang iniimbestigahan naman ng mga otoridad ang sanhi ng pagkakahulog ng bus sa bangin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *