DOJ, kinumpirmang nag-alok ng ‘tell all’ si Janet Lim-Napoles

National News Section

Nag-alok si Janet Lim-Napoles ang itinuturong utak ng PDAF scam na handa itong ilahad ang lahat ng nalalaman nito kaugnay sa kontrobersiya.

Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa press briefing sa Malacañang kaya tinanggap ng pamahalaan si Napoles sa provisional custody sa ilalim ng witness protection program.

Pero nilinaw ni Aguirre na hindi ibig sabihin nito na ay awtomatikong state witness na si Napoles.

Paliwanang ng kalihim ng DOJ na isang batas na umiiral ang WPP kaya iba aniya ang proseso nito.

Pag-aaralan pa ng DOJ ang mga ilalahad nitong impormasyon sa isusumote nitong affidavit habang nasa ilalim ito ng provisional custody ng WPP.

Ito din ang dahilan kaya sinabihan nila ni Aguirre at Executive Secretary Salvador Medialdea ang abugado ni Napoles na si Stephen David na maghain ng motion sa Sandiganbayan.

Nilinaw naman ni Aguirre na biniguan nila ni Medialdea ng legal advice si David kaugnay sa kaso kundi opinyon lamang nila ito.

Mariing binabatikos naman ng mga kritiko ang naging desisyon ng DOJ na gawing state witness ang itinuturing na utak ng pork barrel scam.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *