LTFRB, nagsimula ng mag-ikot sa mga bus, Dimple Star bus suspendido

National News

Nagsimula na ngayong araw ang LTFRB na mag-inspeksyon sa mga bus terminal ilang araw bago ang Semana Santa.

Kabilang sa inikot ng mga tauhan ng LTFRB sa pangunguna ni Atty. Aileen Lizada ang terminal ng Dimple Star bus sa P. Tuazon Cubao, Quezon City.

Sangkaterbang paglabag sa roadworthiness ang nakita ng mga otoridad kabilang ang mga pudpod na gulong ng bus.

Dahil dito, pansamantalang hindi muna pinayagang bumiyahe ang ilang bus unit nito kasunod na rin ng naganap sa insidente sa Occidental Mindoro kung saan sangkot ang isang bus unit nito.

Base sa ulat, nawalan umano ng preno ang bus na may plakang TYU 708 kaya ito nahulog sa bangin sa bahagi ng Barangay Batong Buhay, sa bayan ng Sablayan.

19 ang kumpirmadong habang higit dalawampu ang naitalang sugatan sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *