Mga bibiyahe ngayong Semana Santa, dumagsa sa mga terminal

Metro News

Ilang araw bago ang Semana Santa ay nagsimula nang dumagsa sa mga bus terminal ang ilan sa mga kababayang magsisiuwian sa kanilang probinsya.

Dahil hindi pa fully-booked sa Araneta Center bus terminal ay magiging maayos ang biyahe ng mga pasahero.

Ayon sa pamunuan ng terminal, inaasahang dadami ang mga biyahero simula sa Biyernes.

Pinaalalahanan naman ng management ang mga pasahero na hindi na pinapayagan ang advanced booking, sa halip ay bukas ang bus terminal sa lahat ng walk-in passengers.

Kasabay nito ay mahigpit na rin ang seguridad sa bus terminals, pantalan, paliparan at iba pang pampublikong lugar para sa holy week.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *