Malakanyang, tiwala na maisasabatas ang National ID System

National News

Ulat ni Cresilyn Catarong

Tiwala ang Palasyo na di kalaunan ay maisasabatas na ang panukalang National ID System sa bansa.

Sa isang press briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na naniniwala siyang pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang pagkakaroon ng national ID oras na maipasa ito sa bicam.

Sinabi pa ng presidential spokesman na nagpahayag na rin ng malaking suporta ang gabinete ng pangulo na magkaroon ng national ID ang bawat indibidwal.

Una na ring binanggit ni Department of Budget and Management (DBM) Sec. Benjamin Diokno na nakahanda na ang dalawang bilyong pisong pondo para sa implementasyon ng National ID System sa ilalim ng budget ng Philippine Statistics Authority o PSA.

Nabatid na matapos aprubahan ng kamara ang panukalang national ID ay lusot na rin sa ikatlo at huling pagbasa ng senado ang panukalang “National ID System” na isinulong ni Senator Panfilo “Ping” Lacson.

Sa pamamagitan nito, magkakaroon lamang ng isang ID sa bansa na tatawaging Philippine Identification System o PHILSYS.

Sa national ID, nakasaad dito ang PHILSYS number (PSN), pangalan, address, kapanganakan at fingerprint ng isang indibidwal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *