Mark Zuckerberg, aaksyunan ang leakage sa Facebook user data

International News

Nangako ang Facebook Chief na si Mark Zuckerberg na aayusin nito ang eskandalo ng pang-hihijack umano ng personal data mula sa milyun-milyon nitong users.

Ani Zuckerberg, isa sa mga responsibilidad umano niya ay proteksyunan ang personal na data ng mga user at kung hindi nila ito makakaya ay hindi umano deserving ang facebook na pagsilbihan ang mga loyal users nito.

Ito ay parte ng first public comment ng President at CEO ng facebook kasunod ng umano’y pangongolekta ng facebook user data ng isang British firm na idinadawit sa kampanya ni US Pres. Trump noong 2016.

Higit pa rito, inanunsyo ni Zuckerberg na may bago silang mga hakbang na isinasagawa sa leakage of data sa mga outside developers at sa mga third party apps habang binibigyan ang mga users nito ng kontrol sa kanilang impormasyon sa pamamagitan ng special toolbar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *