PNP-HPG, pinaghahandaan na ang mabigat na trapiko sa Semana Santa

National News

Pinaghahandaan na  pinaghahandaan na ng PNP-HPG ang posibleng trapiko sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila sa Semana Santa.

Ayon kay PNP-HPG Spokesperson Senior Inspector Carol Jabagat, magpapakalat sila ng 1500 personnel para manduhan ang mga major road sa kalakhang Maynila, lalo na sa EDSA.

Bukod pa aniya ito sa paglalagay ng Police Assistance Desks (PADS) sa kanilang regional offices sa buong bansa.

Sinabi ni Jabagat na makakatuwang din nila ang mahigit 1500 grab drivers at riders mula sa Metro Manila at kalapit na lalawigan bilang road safety marshals.

Pinaalalahanan din nito ang mga biyahero lalo na ang mga motorista na i-tsek ang kanilang sasakyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *