Napoles, gusto lamang makawala sa kinakaharap na kaso – Abigail Valte

National News

Itinuturo ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles ang sinumang mambabatas sa pork barrel scam para makaligtas siya sa kinakaharap na mga kaso.

Ito ang sinabi ng dating Deputy Spokesperson ni dating pangulong Noynoy Aquino na si Atty. Abigail Valte.

Ayon kay Valte, unang ginawa ni Napoles ay nagsumite ito sa Department of Justice (DOJ) ng listahan ng mga mambabatas na ginamit umano ang kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa kanyang pekeng organisasyon.

Sinabi ni Valte na noong sumuko ang umano’y utak ng pork barrel scam kay Aquino noong Agosto 2013, ilang beses niyang iginiit na hindi siya guilty dahil nagnenegosyo lamang ito.

Dagdag pa nito na noong nakaraang taon pa napabalita na isasama ang negosyante sa Witness Protection Program (WPP) subalit tinutulan ito ng Office of the Ombudsman.

Aniya, may mga kaso pa na hindi naisasampa sa kasalukuyang pamunuan ng DOJ at hindi nila alam kung paano makaaapekto sa mga kaso ang aplikasyon ni Napoles bilang state witness.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *