Suporta ng Russia sa pagkalas ng bansa sa Rome Statute, pinasalamatan ng Malakanyang

National News

Nagpasalamat ang Malakanyang sa Russian government sa pagsuporta nito sa pagkalas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Rome Statute na lumilikha ng International Criminal Court.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, inasahan na umano ito ng Malakanyang dahil halos magkatulad ang naging karanasan ng Pilipinas at Russia sa paglagda sa Rome Statute.

Una nang inihayag ni Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaey na nauunawaan ng kanilang gobiyerno ang sentimiyento ni Pangulong Duterte sa usapin sa ICC.

Kamakailan ay hinikayat na rin ni Pangulong Duterte ang mga bansang natitirang kasapi ng ICC na kumalas na rin sa organisasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *