Abu Sayyaf, malapit ng bumagsak – Sec. Lorenza

National News

Kumpiyansa si Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi na magtatagal ay babagsak na ang Abu Sayyaf Group.

Ginawa ni Lorenza ang pahayag matapos ang sunod-sunod na operasyon ng militar kung saan sumuko angh matatas na lider ng bandidong grupo.

Tinukoy ni Lorenzana ang pagsuko ng notorious Abu Sayyaf leader na si Nhurhassan Jamiri at labing tatlo pa nitong tauhan noong nakaraang Miyerkules Santo.

Si Jamiri ang tumata­yong overall commander ng Abu Sayyaf na may operasyon sa Tuburan, Albarka, Tipotipo, Akbar, Mohamda Adjul at Lamitan City.

Sangkot din ang grupo ni Jamiri sa pambobomba, pananambang at pamumugot ng ulo ng mga tropa ng militar sa mga lalawigan ng Zamboanga, Albarka at Lamitan.

Kasama ring isinuko ng grupo ni Jamiri ang sampung matatas na kalibre ng armas, apatnapung magazine, mga bala, granada at walong bandoleers.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *