Joint military exercises ng South Korea at US, tuloy na ngayong buwan

International News

Tuloy na ngayong buwan ang taunang joint military exercises sa pagitan ng South Korea at Estados Unidos.

Ito ay matapos ang halos isang buwang pagkakaantala ng naturang aktibidad dahil sa isinagawang Winter Olympics at Paralympics sa Pyeongchang County noong buwan ng Pebrero na natapos nito lamang buwan ng Marso.

Ayon sa tagapagsalita ng Pentagon, tinatayang nasa halos 24 libong US troops at 300,000 South Korean forces ang lalahok sa Foal Eagle and Key Resolve Exercises na tinatayang magsisimula sa kalagitnaang bahagi ngayong buwan ng Abril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *