Mga undocumented OFWS sa Kuwait, may 10 araw para makahabol sa amnesty program

National News

May sampung araw na lang ang mga undocumented Filipino workers sa Kuwait para makahabol sa amnesty program ng Kuwaiti government.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, hanggang Abril a-dose na lamang ang mga Pinoy workers upang itama ang kanilang status para makalabas ng Kuwait ng hindi pinagmumulta.

Pinapayuhan ng DFA ang mga nais humabol sa amnestiya na agad nang magtungo sa konsulada ng Pilipinas sa Humaidi Street sa Al Siddeeg area sa South Surra, Kuwait.

Samantala, base sa datos ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA, tinatayang nasa 251,000 na dokumentadong OFWS ang nagtatrabaho sa Kuwait kung saan nasa 163,000 sa kanila ay pawang mga ‘household workers’.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *