OTS personnel na nagnakaw sa NAIA, sinibak na 

Metro News

Ulat ni: Cherry Light

Sinibak na sa kanilang  puwesto ang dalawang  personnel ng Office of Transportation Security (OTS) na nagnakaw ng 1,700 Australian dollars sa isang Japanese national sa Terminal-3 ng Ninoy Aquino International Airport noong Semana Santa.

Ito ang kinumpirma ni Manila International Airport Authority(MIAA) General Manager Ed Monreal sa Sonshine Radio matapos mahuli sina Stephen Bartolo, isang  OTS na na-assign sa arrival entrance Gate 2 at Demmie James Timtim kung saan kapwa nagsabwatan ang dalawa sa pagnanakaw kay Juya Sakata galing  sa Australia.

Matatandaan si Sakata ay galing  Australia  at habang naghihintay para sa kanyang connecting flight papuntang Cebu ay nagtambay muna ito sa smoking area sa labas ng Terminal-3. Nang bumalik ito at dumaan sa xray ay napansin nyang nawawala ang 1700 Australian dollars sa kanyang wallet at tanging 1,000 Australian dollars na lang ang natira.

Agad naman inireport ang nasabing modus ng pagnanakaw matapos kumpirmahin ang pagnanakaw ng ilang OTS personnel.

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *