Pangulong Duterte, pumayag na muling ibalik ang usaping pangkapayapaan

National News

Pumayag umano si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpatuloy ang peace negotiations sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ito ang inihayag ni Bayan Muna Party-List Rep. Carlos Isagani Zarate.

Sinabi ni Zarate na nagpahayag ng interes si Pangulong Duterte na muling buksan ang peace talks matapos makausap ang ilang opisyal ng Royal Norwegian Government.

Una nang nilagdaan ng animnapung kongresista ang isang resolusyon na humihimok sa gobyerno na muling ipagpatuloy ang usaping pangkapayaan sa mga rebeldeng grupo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *