PNP sa mga magulang: Bantayan ang mga anak

Metro News

Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa mga magulang na matyagan ang mga aktibidad ng kanilang mga anak ngayong summer break.

Kasunod ito ng ulat na napasok na umano ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang ilang mga student organizations ng mga eskwelahan sa bansa.

Una nang napaulat na ilang mga college students ang kasama umano ng mga rebeldeng grupo sa mga lugar na itinuturing na teritoryo ng NPA.

Ayon kay PNP Spokesman C/Supt. John Bulalacao, kasama rin daw sa ilang pagkakataon ang mga estudyante sa mga pagsalakay o pananambang ng mga teroristang grupo sa puwersa ng pamahalaan.

Samantala, binantaan din ni Pangulong Duterte ang mga legal fronts ng NPA na umano’y nagagamit para makapag-recruit ng mga bagong miyembro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *