Presyo ng petrolyo at singil sa kuryente, may paggalaw ngayong Abril

Metro News

Matapos ang mahabang bakasyon, magkasabay na sasalubong sa mga Pinoy ang pagtataas sa presyo ng petrolyo at kuryente ngayong Abril.

Siyamnapung sentimos hanggang piso ang tinatayang itataas sa kada litro ng diesel at kerosene.

Habang otsenta hanggang nobenta sentimos naman sa kada litro ng gasolina.

Inaasahang ipatutupad ng mga kompanya ng langis ang dagdag presyo sa petrolyo bukas araw ng Martes.

Samantala, magtataas din ng 1.2 sentimo kada kilowatt hour (kwh) sa singil sa kuryente ang Manila Electric Company (MERALCO) ngayong Abril.

Ayon sa MERALCO, bahagi ito ng unti-unting pagtataas nila na sinimulan nitong nakaraang buwan ng Marso.

Mula sa nobenta y siyete sentimo kada kilowatt hour ang dagdag-singil ng meralco noong marso ay otsenta y singko sentimos lamang ang sinigil parahindi umano mabigla ang mga konsyumer ng MERALCO.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *