2,500 distressed OFWs, natulungan ng Philippine Consulate sa Dubai

National News

Ulat Ni: Cherry Light

Nagpaabot na ng ayuda ang Philippine Consulate General ng Dubai sa halos 2,500 distressed Overseas Filipino workers  sa loob ng buwan ng Marso.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) binisita na rin ng konsulado ang labindalawang OFW na isinugod sa iba’t-ibang ospital sa Dubai at Northern Emirates habang nasa 30 naman ang kanilang binisita na nasa Police Detention Centers at Central Jail.

Aabot naman sa 50 Pinoy ang nag-avail ng consulate free legal services, libre din consultaton para sa mga Pinoy na nangangailangan ng legal advice at representation.

Hangarin ng naturang konsulado na abutin pa ang kalahating milyong OFWS na nasa Dubai at Northern Emirates kung saan prayoridad nito na tulungan ang mga Pinoy workers na nangangailangan ng tulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *