Davao Oriental, niyanig ng magnitude 6.0 na lindol

Regional

Niyanig ng magnitude 6.0 na lindol ang Davao Oriental mag-aalas-dose ng tanghali ngayong araw.

Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, naitala ang sentro ng pagyanig sa layong 31 kilometro silangan ng bayan ng Tarragona at may lalim naman itong 28 kilometro.

Naramdaman naman ang intensity IV sa Mati City, intensity III sa Davao City, Cagayan de Oro City at General Santos City at maging sa Borongan, Eastern Samar.

Intensity II naman ang naramdaman sa Bislig City, Surigao City, Alabel, Sarangani at Koronadal City.

Habang intensity I naman sa ilang bahagi ng Bislig City, Kidapawan City; Talibon, Bohol; Palo, Leyte; at Cebu City.

Wala namang naiulat na napinsala sa naturang pagyanig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *