All-Filipino K-Pop Girl na TEMFIVE, nasa bansa na

Showbiz

Dinumog at pinagkaguluhan ng mga tagahanga ang kaunahang All-Filipino K-Pop Girl Group nang dumating ang mga ito sa NAIA Centennial Terminal 2 Mula Sa Seoul, South Korea kahapon.

Kabilang sa TEMFIVE sina Sarah Grace Cinco, Robie Mae Garcia, Jyrrah Mae Agohayon, Katrina Marie Daniel at Raynalyn De Ocamo

Ang TEMFIVE ay acronym ng ‘Touching People’s Heart Emotionally Mentally’

Nabuo ang TEMFIVE nang makapasa ito sa audition ng j.W. Entertaiment, isang Korean talent management agency sa South Korea.

Dalawang taon ding hindi nakauwi sa Pilipinas ang TEMFIVE dahil sumailalim ang mga ito sa lahat ng klase ng training para sa pagbuo ng All-Filipino K-Pop Girl group

Layunin ng pag-uwi ng TEMFIVE ay upang ma-ipromote ang kanilang album sa sariling bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *