Mga rice traders, pupulungin ni Pangulong Duterte ngayong araw

National News

Kinumpirman ni National Food Authority (NFA) Council Chairman Jun Evasco na pupulungin ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga rice trader.

Sinabi naman ni Evasco na ititigil na niya ang panawagang magbitiw na si NFA Administrator Jason Aquino dahil ang pangulo lamang ang may kapangyarihang tanggalin ito sa pwesto.

Dagdag pa nito, gumagawa lamang ng mga rekomendasyon ang council hinggil sa kapalaran ng NFA, batay sa mga ebidensya kaya’t hihintayin nila ang resulta ng special audit na isasagawa ng Commission on Audit (COA).

Ibinunyag din nito na may mga panukala kaugnay ng pagbuwag sa NFA kung saan maaari itong buwagin kung mayroong sapat na bigas sa bansa para sa mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *