NFA, nanganganib na buwagin

National News

Ayon kay NFA Council Chairman at Cabinet Secretary Leoncio Evasco na posibleng ma-abolish ang National Food Authority o NFA.

Sinabi ni Evasco na may panukala ang Department of Finance (DOF) na ipaubaya na sa mga private traders na mag-import ng bigas na hindi na kailangang dumaan sa NFA na siyang mandato nito.

Ayon kay Evasco, asahan na magiging mahigpit ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pagbabantay ng bigas at dapat ay mayroon na itong suggested retail price para hindi maloko ang mga mamimili.

Inihayag pa ni Evasco na mas mura pa rin ang bigas mula sa ibang bansa kumpara sa nakukuha ng pamahalaan sa mga magsasaka sa bansa.

Pero ayon kay Evasco, maaari lamang ma-abolish ang NFA kung mayroon nang sapat na suplay ng bigas sa bansa.

Para naman kay Assistant Secretary Jonas Soriano ng Office of the Cabinet Secretary, kasalukuyang pinag-aaralan pa ng NFA Council ang panukala ng DOF.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *