Karagdaragang ebidenysa laban kay Kerwin Espinosa, ipinahaharap sa korte

National News

Kinatagan  ng Manila Regional Trial Court  ang kahilingan ng mga piskal ng Department of Justice o DOJ na bigyan ng sapat na panahon upang makuha sa baybay, leyte ang ilegal na droga na  ginamit na  ebidensiya  ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban sa itinuturing na drug lord na si Kerwin Espinosa.

Sa naganap na pagdinig ni Judge Silvino Pampilo Jr., ng Manila RTC Branch 26,  binigyan ng hanggang Hunyo 8, 2018 ang panig ng prosekusyon upang iharap sa husgado ang nasamsam na shabu na nakuha ng PNP-CIDG nang salakayin ang bahay ng mga espinosa sa Baybay, Leyte noong 2017.

Nabatid sa mga taga-usig na inaayos na lamang ang seguridad at ang mga gagamitin at gagastusin sa pagbibiyahe ng mga nasabing ebidensiya patungo sa Metro Manila.

Hindi na tumutol ang kampo ni Espinosa na kinakatawan ngayon sa korte ng kilalang abogado na si Atty. Raymund Fortun.

Muli namang itinakda sa Hunyo a-8 ang susunod na pagdinig ngunit kailangan sa naturang petsa o bago sumapit ang paglilitis ay maiharap na rin sa korte ang mga naturang ebidensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *