Pag-umpisa ng summer season, idedeklara ng PAGASA sa susunod na linggo

National News

Posibleng ideklara na ng Philippine Atmospheric and Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang pag-uumpisa ng summer season sa susunod na linggo.

Ayon kay Dr. Landrico Dalida, Jr. ng PAGASA, unti-unti nang nagpapalit ang umiiral na hangin sa bansa mula northeast monsoon patungong easterlies na nagdadala ng maalinsangang hangin mula Pacific Ocean.

Pero ayon kay dalida, makakaranas pa rin ng mga pag-ulan ang ilang lugar na malapit sa kabundukan dulot ng localized thunderstorms.

Gayundin ang Metro Manila at iba pang urban areas dahil sa urban heating na may mataas na evaporation level at cloudiness.

Sinabi pa ni Dalida na magiging maiksi lamang ang summer ngayong taon dahil sa climate change.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *