Utah Jazz, pasok na sa NBA Playoffs

Sports

Tiniyak na ng Utah Jazz ang pagpasok ng kanilang koponan sa Playoffs Game.

Ito ay matapos na talunin ng Jazz ang Los Angeles Lakers sa kanilang laban sa iskor na 112-97.

Nanguna para sa Jazz ang rookie player na si Donovan Mitchell kung saan tumipa ng 28 points, 9 rebounds at 8 assist.

Samantala, pasok na rin sa Playoffs ang defending champion na Golden State Warriors kung saan na sa ikalawang puwesto sa Western Conference.

Muling namang ipinakita ng Warriors ang kanilang bangis sa hardcourt laban sa Phoenix Suns kung saan tinambakan ito sa iskor na 117-100.

Hindi naman nakapaglaro si Stephen Curry dahil injury.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *