5 miyembro ng kidnap for ransom group sa Laguna, patay sa engkwentro

Patay ang limang miyembro ng kidnapping group sa Laguna matapos maka-engkwentro ang mga otoridad.

Sa inisyal na report sa Kampo Krame, sinasabing dinukot ng mga suspek ang isang Ronaldo Arguelles nitong Lunes ng gabi at hiningan umano ng 800 libong pisong ransom money ang pamilya nito.

Nagpasaklolo naman ang pamilya ng biktima sa Candelaria, Quezon Police para mailigtas ang biktima.

Ng magtagpo na ang dalawang panig sa bayan ng Alaminos sa Laguna, dito na nagkaroon ng engkwentro at nagkaroon ng habulan hanggang sa Maharlika Highway sa bayan ng San Pablo.

Pasado alas-sais kaninang umaga ng maganap ang engkwentro na nagresulta ng pagkasawi ng 5 suspek at isang pulis at pagkasugat ng 3 iba pa.

Inaalam naman ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek na nakasuot din umano ng uniporme ng pulis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *