Kaligtasan ng mga Chinese investors, ginarantiya ni Pangulong Duterte

National News

Ulat ni: Hannah Jane Sancho

Nagbigay ng katiyakan si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kaligtasan ng mga mamumuhunang Intsik sa Pilipinas dahil sa pinagandang peace and order situation sa bansa.

Ito ang inihayag ng Pangulong Duterte sa talumpati nito kasabay ng pagbubukas ng Boao Forum for Asia nitong Martes na ginanap sa China.

Naghahanap si Pangulong Duterte ng mga business partners na responsable ang kanilang pamamalakad sa negosyo na siya ring magbibigay ng mas maraming oportunidad para sa mga talentado at masisipag na mga Pilipino.

Ayon kay Pangulong Duterte hindi papaawat ang Pilipinas na lumago sa larangan ng pagnenegosyo sa kabila ng mga hamon na kinakaharap nito.

Patunay dito ang mas pinadaling sistema sa pagnenegosyo sa Pilipinas na magbibigay daan para lalo pa itong sumigla sa pamamagitan ng mga policy framework na inilatag ng administrasyon.

Nagbigay din ng katiyakan ang Pangulong Duterte sa harap ng mga world leaders na dumalo sa Boao Forum na anumang klaseng korapsyon ay hindi pinalulusot ng kaniyang pamumuno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *