Chinese Pres. Xi Jinping, ibinida ang China bilang enterprising at pioneering nation

International News

Sa pagsisimula ng Boao Forum for Asia 2018 sa Hainan, China, ibinida ni Chinese President Xi Jinping sa forum ang China bilang enterprising at pioneering nation pagdating sa motibasyon at pagiging malikhain.

Dagdag ni Xi na nagsilbing positibong puwersa ang China para sa kapayapaan at kaunlaran.

Sinabi ng Chinese president na ginagampanan ng China ang mga responsibilidad bilang global country.

Binigyang-diin nito na tanging kooperasyon at peaceful development ang kailangan ng bawat bansa para mabawasan ang kahirapan.

Ang tema ngayong taon ng Boao forum ay “An Open and Innovative Asia for a World of Greater Prosperity.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *