COMELEC, bukas sa panukalang magpapalakas sa Barangay at SK elections

National News

Bukas si Commission on Election o COMELEC Spokesperson James Jimenez sa mga panukalang magpapalakas sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sa pulong balitaan ng poll body at Department of Interior and Local Government o DILG sa Quezon City, sinabi rin ni Jimenez na matapos ang tatlong taong paghihintay ay matutuloy na rin ang Barangay at SK elections.

Ayon naman kay National Youth Commission Assistant Secretary Rhea Peñaflor, magiging mandatory ang pagsasanay sa SK officials pagdating sa pamumuno sa nasasakupan.

Pagkatapos aniya ng pagsasanay ay magkakaroon ng monitoring at evaluation.

Sa panig naman ni DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya na nagsimula na silang magsampa ng reklamo laban sa mga opisyal ng barangay na nasa drug watchlist.

Plano rin aniya ng ahensya na bumuo ng task force na mag-iimbestiga sa barangay officials na may kaugnayan sa iligal na droga sa dalawang kategorya para makapagsampa ng kaso laban sa kanila.

Kasado na rin ang seguridad sa Barangay at SK elections sa Mayo a-katorse.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *