Implementasyon ng renewable energy sa bansa, pinamamadali sa DOE

National News

Ulat Ni: Pol Montibon

Nagtipon ang iba’t ibang sektor ng enerhiya mula sa iba’t ibang bansa kasama na rito ang ilang kinatawan ng Pilipinas para sa isang layunin, ang palaguin ang renewable energy sa bansa.

Kabilang sa renewale energy ang solar, wind, hydro at biogas.

Sa ngayon, trenta porsyento pa lang sa bansa ang nanggagaling sa renewable energy dahil ang bulto ng kuryente ay isinusuplay pa rin ng coal-fired, oil at gas power plants.

Hindi na bago sa pag-aaral na tone-toneladang carbon at polusyon ang ibinubuga ng mga planta gamit ang gas, oil at coal para lang makagawa ng enerhiya at sadyang masama ito sa hangin.

Hindi tulad ng renewable energy na halos pollution free.

Sa nasabing pagtitipon, sinab ni Energy Undersecretary Felix Wimpy Fuentebella na matagal ng nagpaparamdam sa kanilang kagawaran si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa implementasyon ng renewable energy ngayong taon hanggang 2030.

Inaasahan na ang nasabing hakbang ay lalong makadaragdag sa ekonomiya ng bansa na may mababang gastos at hindi makaaabuso sa kalikasan.

Kaugnay nito, pag-aaralan agad ng Department of Energy o DOE at iba pang kaakibat na pribadong ahensiya na unti-unting linisin ang mga lugar na may malaking porsyento sa paggamit ng coal, oil at gas plants, at mai-convert ito sa mas malinis na sistema ng pagkukunan ng enerhiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *