Mosyon ni Janet Lim-Napoles, ibinasura ng Sandiganbayan

National News

Mananatili sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim-Napoles.

Kasunod ito ng pagbasura ng Sandiganbayan First Division sa mosyon ni Napoles na mailipat sa Department of Justice (DOJ) para sa provisional coverage ng Witness Protection Program (WPP).

Sa desisyon ng korte, ang pagsasailalim kay Napoles sa protective custody ay taliwas sa 2012 implementing rules and regulations ng Witness Protection, Security and Benefit Act.

Samantala, hindi pa naglalabas ng resolusyon ang third at fifth division sa mosyon ni Napoles.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *