Quo warranto petition ng SolGen, “deadly” sa judiciary at legal profession

National News

Nababahala si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa seryosong epekto sa hudikatura at legal profession ng quo warranto petition na inihain laban sa kanya ni Solicitor General Jose Calida.

Ito ang pahayag ni Sereno sa kaniyang pagsasalita sa Philippine Bar Association Forum sa Makati City.

Iginiit ni Sereno na kung magtagumpay ang SolGen na mapatalsik ang isang punong mahistrado sa pamamagitan ng quo warranto ay mawawala ang saysay sa sinumpaang tungkulin ng mga abogado.

Ayon kay Sereno, magiging karaniwan na ang paggamit ng SolGen sa quo warranto para ipanalo ang kaso ng gobyerno.

Sinabi pa ni Sereno na “deadly” at malaking banta ang quo warranto sa legal profession na maaaring malagay sa peligro ang buhay ng mga abogado.

Pinsaringan din ni Sereno ang naging tugon ni Pangulong Duterte na aniya’y napikon kaya pinamamadali sa kongreso ang impeachment para matanggal siya sa Korte Suprema.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *