2018 ACQ-International Children’s Day Station ID ng SMNI, inilabas na

Kingdom News

Talaga namang cuteness overload ang hatid ng mga ambassador ng Children’s Joy Foundation, Inc.  Ang magkapatid na sina David Axel, Bea at William Manaday kasama ang bibong-bibo na little angel na si Alisha Canada sa lyric video ng 2018 ACQ International Children’s Day na pinamagatang “Colors of Love.”

Ang ACQ-ICD ang tinaguriang adopted birthday ng lahat ng mga batang salat sa buhay sa Pilipinas at maging sa ibang bansa na naitaon sa kaarawan ng major benefactor ng CJFI na si Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ.

Ang lyric video na ito ay kinunan sa iba’t ibang bahagi ng bansa at maging sa abroad para ipagmalaki ang iba’t ibang kultura ng mga bata kasama ang mga ambassadors ng CJFI.

Upang maghatid ng tuwa, kasiyahan at liwanag sa mundo nating nababalot sa dilim dulot ng pagkapoot, kasakiman at kapighatian.

Ipinaparating ng awiting “Colors of Love” na ang pag-ibig ay hindi naitatakda kung anuman ang iyong lahi at pagkakaiba ng kultura.

Tampok din sa video na ito ang mga magagaling at talentadong mga bata mula sa Kenya Africa, Cambodia, Thailand, Vancouver at Toronto, Canada Pati na rin ang mga ACQ-ICD Volunteers mula sa Hong Kong, Singapore, Brazil, Japan, United Kingdom, Belgium, Hawaii at iba pang mga bansa.

Kabilang din ang mga talento ng mga scholars ni Pastor Apollo mula sa Davao City, na sina Gab, Alijah mga bata mula sa Estados Unidos, ang drummer na si Evans mula Indonesia, ang kids chorale group mula sa Manila at ang mga magagaling na CJFI Drum and Bugle Corps na galing Davao para iparating ang mensahe na kayang maipinta muli sa mundo ang mga kulay ng pag-ibig nasaan man panig sila sa mundo.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *