Lucas Matthysse, target na pabagsakin si Pacquiao

Sports

Target ni World Boxing Association (WBA) Welterweight Champion Lucas Matthysse na tuluyang pabagsakin si Eight Division Champion at senador Manny Pacquiao.

Nais ni Matthyse na magtala ng knockout sa kanilang laban ni Pacman sa Hulyo a-katorse sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ayon sa 35-anyos na Argentine boxer, hindi siya papayag na maagaw ni pacman ang kanyang korona.

Sakaling manalo si Matthysse, magkakaroon siya ng rematch kay Danny Garcia.

Sa Abril a-disiotso ay darating sa bansa si Matthysse para sa promotions at launching ng kanilang laban ni Pacquiao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *