10 senador, suportado ang report sa kontrobersyal na dengvaxia vaccine

National News

Naniniwala si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Senador Richard Gordon na hindi bababa sa sampung senador ang inaasahang susuporta at lalagda sa kaniyang report kaugnay sa dengvaxia vaccine.

Sinabi ni Gordon na karamihan sa mga miyembro ng lupon ay nakausap na niya sa telepono.

Sa kaniyang committee report, pinasasamapahan ni Gordon ng criminal charges sina dating pangulong Noynoy Aquino, dating Health Sec. Janette Garin at dating Budget Sec. Florencio “Butch” Abad.

Una nang kinuwestyon ng ilang senador ang maagang pagsasapubliko ng report kahit wala pang pagsang-ayon ang ilang kasapi ng komite.

Samantala, nasa kabuuang limandaang nurses ang ipapakalat ng Department of Health o DOH para i-monitor ang kalagayan ng mga naturukan ng dengvaxia vaccine.

Una nang idineploy ng DOH ang nasa isandaan limampung nurses sa Central Luzon, CALABARZON Region, National Capital Region at Cebu.

Ito ay matapos aprubahan ni Health Secretary Francisco Duque III ang deployment ng nasabing bilang ng mga nurses.

Ang pondo umano ng 150 nurses ay manggagaling sa regular na budget ng DOH.

Habang ang karagdagang tatlongdaan limampung nurses ay plano pa lamang na kunin kung maaprubahan na ng kongreso ang request na magamit ang P1.16-B na refund mula sa Sanofi Pasteur.

Sa tala ng DOH, nakagastos na ang ahensya ng higit dalawampu’t dalawang milyong piso para sa medikal ng mahigit tatlong libong pasyente na naturukan ng dengvaxia vaccine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *