PHLPOST, naglabas ng commemorative stamps para sa 2018 Palarong Pambansa

Metro News

Naglabas ang Philippine Postal Corporation (PHLPOST) ng commemorative stamps para sa pagbubukas ng Palarong Pambansa at Palarong Pambansa “multi-sport events.”

Sinabi ni PHLPOST Information Officer Alvin Fidelson na bahagi ito ng pagkilala sa galing ng mga atletang Filipino.

Ang selyo na tampok ang iba’t-ibang sporting events ay nagkakahalaga ng isandaan limampung piso bawat sheet.

Mabibili na ang selyo ng Palarong Pambansa at ang opisyal na first day cover sa Post Shop, Central Post Office, Door 203, sa Liwasang Bonifacio, Maynila at mga area post offices sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *