Arab leaders, nanawagan ng imbestigasyon sa Syria chemical attacks

Nanawagan ang Arab league na imbestigahan ang sa paggamit ng chemical weapons sa bansang Syria.

Nagpahayag naman ng suporta ang Saudi Arabia sa inilunsad na air strike ng United States, Britain at France noong nakaraang Sabado kung saan target nito ang mga pasilidad ng research at storage ng Syrian military.

Ang naturang air strike ay bilang tugon sa umano’y chemical attack ni Syrian President Bashar Al-Assad malapit sa Damascus na ikinamatay ng mahigit apatnapung katao.

Samantala, nagpahayag naman ng pagtutol ang bansang Iraq at Lebanon sa naturang pag-atake.

Idiniin naman ng Syria na wala itong kinalaman sa chemical weapons at nanawagang isang act of aggression ang isinagawang air strike.

Samantala, hindi pinaboran ng United Nations Security Councils ang resolusyon ng Russia na nananawagan ng pagkondena sa “aggression” ng Estados Unidos, United Kingdom at France kontra Syria.

Tanging ang China at Bolivia mula sa labinlimang miyembro ng security council ang sumuporta sa Russia.

Kabilang sa mga tumutol sa resolusyon ng Russian ang Amerika, UK, France, Netherlands, Sweden, Kuwait, Poland at Ivory Coast.

Habang apat naman ang nag-abstain na kinabibilangan ng Ethiopia, Kazakhstan, Equatorial Guinea at Peru.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *