CJ Sereno, hindi tatakbo sa pagka-senador

Ulat Ni: Troy  Gomez

Walang planong tumakbo sa pagka-senador si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ang ginawang paglinaw ni Atty. Josalee Deinla, tagapagsalita ni Sereno, sa isang press briefing sa Manila Hotel.

Ayon kay Deinla, abala ngayon ang punong mahistrado sa pagharap ng kanyang nakaumang na impeachment case sa kamara at quo warranto petition sa Korte Suprema.

Ginawa ni Deinla ang paglilinaw matapos lumabas ang usap-usapan na posibleng tumakbo sa pagkasenador si Sereno sakaling matanggal ito sa kinauupang posisyon sa Korte Suprema.

Kaugnay nito ay nilinaw din ni Deinla na hindi suportado ng nagdaang administrasyon o ng mga dilawan si CJ Sereno.

Ayon kay Deinla, si Sereno ay suportado ng mga pribadong indibidwal at mga civil society groups na naniniwala  sa ipinaglalaban ng Coalition for Justice na kasarinlan ng hudikatura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *