Cleveland Cavaliers, talo sa Game 1 ng NBA Playoffs

Sports

Natikman ng Cleveland Cavaliers ang unang talo sa Game 1 ng NBA Playoffs laban sa Indiana Pacers sa iskor na 98 – 80.

Sa pitong magkakasunod na nakapasok ang Cavs sa Playoffs simula noong 2012, ito ang unang pagkakataon na tinalo sa unang game ang Cleveland.

Base sa record ng Cavs, nakapagtala ito ng twenty one consecutive victories sa first round kabilang na rito ang five consecutive sweeps.

Nanguna naman para sa panalo ng Pacers Victor Oladipo na may 32 points, 6 rebounds at 4 assists habang nag-ambag din si  Myles Turner ng 16 points at Bojan Bogdanovic ng 15 points.

Dinomina ng Pacers ang Game 1 mula sa first quarter kung saan nagtala agad ng 19 points na bentahe na nagawa namang mapanatili hanggang huling minuto ng kanilang laro.

Sa Huwebes oras sa Pilipinas, nakatakdang magharap sa Game 2 ang Cavs at Pacers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *